-- Advertisements --

Nagbabala ang Bankers Association of the Philippines (BAP) sa mga PIlipino hinggil sa pagpapahiram ng kanilang bank accounts para sa money transfers.

Sa isang advisory, sinabi ng BAP na dapat mag-ingat ang publiko at iwasan ang pagbibigay ng access sa kanilang bank accounts sa iba sa anumang dahilan, lalo na para sa money transfers.

May mga nangyayari kasi ngayon na nag-aalok ang mga cybercriminals ng financial incentives kapalit ng access sa kanilang bank accounts.

Gagamitin ito pagkatapos ng mga sindikato sa money laundering o pag-transfer ng mga ninakaw na pera mula sa ibang biktima.


Sa oras na makakuha ng access sa bank accounts ang mga kriminal na ito, maari nang makonsidera ang account holder bilang money mule.

Base sa datos mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas, lumalabas na nasa P2 billion ang nawalang pera dahil sa financial schemes mula 2019 hanggang 2022.