-- Advertisements --

Nakatakdang ianunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panibagong quarantine status sa Metro Manila at iba pang lugar sa bansa ngayong araw, June 30.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, bukas magsasagawa ng public address si Pangulong Duterte.

Bukas, nakatakdang magtatapos ang umiiral na quarantine status sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa.

Ngayong hapon, nagpupulong ang Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) para talakayin ang maibibigay nilang rekomendasyon kay Pangulong Duterte.

Ayaw namang pangunahan ni Sec. Roque si Pangulong Duterte at inihayag na hayaan na lamang ang pangulo ang mag-anunsyo ng mga bagong quarantine status.

Ipinaliwanag ni Sec. Roque na nananatiling ang case doubling rate at critical health care utilization ang pangunahing basehan ng IATF sa pagdedesisyon pagdating sa quarantine status ng isang lugar.