-- Advertisements --

Naglabas ang National Privacy Commission (NPC) ng bagong alituntunin para sa tamang pagproseso ng personal data na nakukuha gamit ang body-worn cameras.

Layunin nito na maprotektahan ang karapatan sa privacy habang pinapalakas ang transparency at pananagutan.

Ayon kay NPC Commissioner John Henry Naga, mahalagang gamitin nang patas at ayon sa batas ang mga body cameras, lalo na sa mga operasyon ng pulisya. Kinakailangan din aniya ng malinaw na patakaran sa pag-iimbak, pag-access, at pagpapanatili ng mga rekord nito.

Nagpaalala rin ang ahensya sa mga digital content creator at vlogger na gumagamit ng ganitong mga kagamitan, anila kailangan nilang ipaalam sa mga taong kanilang nire-record ang paggamit ng kamera, magbigay ng privacy notice, at sundin ang Data Privacy Act ng 2012.