
Tiniyak ng Sugar Regulatory Administration o SRA na magiging transparent at daraan sa masusing accountability ang gagawing pag- angkat ng pamahalaan ng tone- toneladang asukal.
Ito ang sinabi ni SRA Board member Pablo Azcona sa gitna ng planong pag- iimporta ng may 4 na raan at 40 metriko toneladang asukal na refined sugar.
Sabi ni Azcona, mayroon silang guidelines na susundin sa gagawing pag- aangkat at kabilang na dito ang pag dedetermina sa mga importers na may good standing.
Bukod dito sabi ng opisyal ay magkakaroon din ng tinatawag na performance bond upang matiyak na hindi sisira sa kasunduan ang mga importers.
Hahatiin sa tatlong tranches ang import order o dalawang tig-1 daang libong metric tons at buffer stock na 240,000 metric tons.
Layon ng pag-aangkat na mapababa ang presyo ng asukal para sa kapakanan ng consumers at makakuha rin naman ng patas na presyo ang mga magsasaka.










