-- Advertisements --

Nagwagi si Mexican Formula One driver Sergio Perez sa Singapore Grand Prix.

Mas nauna ito ng 7.5 secods kay Charles Leclerc ng team Ferrari habang nasa pangatlong puwesto naman si Carlos Sairiz.

Naantala ng isang oras ang nasabing karera dahil sa malakas na pag-ulan.

Ito ang unang grand prix na ginanap sa Marina Bay Street Circuit mula noong 2019 dahil sa COVID-19 pandemic.