-- Advertisements --

Inianunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na mananatili sa general community quarantine ang Metro Manila habang ang Cebu City ay GCQ na rin simula bukas, Agosto 1 hanggang Agosto 15.

Sa kabila ito ng patuloy na pagtaas ng bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19 sa rehiyon.

Ginawa ni Pangulong Duterte ang anunsyo sa isinahimpapawid na public address nito ngayong umaga.

Maliban sa Metro Manila at Cebu City, GCQ rin sa Bulacan, Batangas, Cavite, Laguna, at Rizal sa Luzon; Lapu-Lapu City, Mandaue City, Talisay City, Minglanilla at Consolacion saVisayas; at Zamboanga City for Mindanao.

Ang ibang bahagi ng bansa ay sasailalim sa modified general community quarantine (MGCQ).

Sinabi naman ni Presidential Spokesman Harry Roque, magsasagawa ng massive targeted testing at intensified contact tracing sa Metro Manila bilang bahagi ng bagong government response sa COVID-19.

“Also part of the measures are stringent enforcement of minimum health standards; massive targeted testing, intensified tracing, and quarantine of close contacts; isolation of confirmed cases; and strict adherence to Oplan Kalinga implementation,” ani Sec. Roque.