-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Umaasa si Sangguniang Panglunsod member Jay Eveson Diaz ng City of Ilagan na kakatigan ng City Council ang kanyang panukala na pagpapatayo ng Mental Health Center sa lunsod dahil sa mga naitalang pagpapakamatay.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay SP member Diaz, sinabi niya na sinang-ayunan na ng small council ang kanyang panukalang pagpapatayo ng Mental Health Center.

Kabilang sa mga ito ang Local Child Protection Council for the protection of children, Local Youth Development Council, at Local Council Against Trafficking – Violence Against Women and their Chidren.

Sa ginanap na pagpupulong ay nabuo ang YAKAGIN, AKBAYAN, KAUSAPIN AT PAKINGGAN ILAGUENONG NANGANGAILANGAN o YAKAPIN program na inaasahang bukas ng 24 oras para matugunan ang mga kaso ng pagpapakamatay kabilang na ang iba pang Mental Health Concerns at makapagpatupad ng mga hakbang para ito ay mapigilan.

Magsisilbi naman itong mental health crisis management agency ng lunsod ng Ilagan.

Nakatakda itong ilapit sa Alab at Sinag program ng lunsod dahil lumalabas sa kanilang pag-aaral na mga kabataan ang madalas masangkot sa mga ganitong insidente at ngayong buwan lamang ng Hulyo ay nakapagtala ang lunsod ng apat na kaso ng pagpapatiwakal.

Prayoridad ang pagpapatayo ng tanggapan ng YAKAP at ang 24/7 Hotline.