Nabigo ang Philippine Men’s Football Team na makapasok sa 2027 AFC Asian Cup.
Ito ay dahil sa nagtapos sa 1-1 draw ang laban nila ng Tajikistan sa huling laban ng qualifiers.
Kinailangan kasi ng Pilipinas na makakuha ng hanggang tatlong puntos para makapsok sa AFC Asian Cup subalit bigo nila itong nakamit.
Unang nakapagtala ng goal ang Pilipinas sa pamamagitan ni Raphael Obermair sa 19 minuto ng laro.
Subalit pagdaan ng 40 minuto ay naitabla ni Sheriddin Boboev ng Tajikistan ang laban.
Hanggang sa pagtatapos na laro ay sinubukan ng Pilipinas maipanalo ito subalit naging mahigpit ang ipinamalas na depensa ng Tajikistan.
Tanging ang top team per group lamang kasi ang makakausad sa Asian Cup.
Magugunitang nagsagawa ng limang araw na ensayo ang football team ng bansa sa Turkey bago ang pagsabak sa laban.
















