-- Advertisements --
NAGA CITY – Walang foul play sa pagkamatay ng isang menor de edad sa Guinayangan, Quezon.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na nadiskubre na lang ng ina ang biktima ang katawan nito habang nakabitay at wala ng buhay sa loob ng bahay ng kanyang lolo at lola sa Barangay Manlayo sa nasabing bayan.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, sinasabing dahil sa hindi nakompletong modules kaya naudyok ang biktima na wakasan ang sariling buhay.