Tatlong kababaihan na sinasabing biktima ng online sexual exploitation ang nailigtas ng National Bureau of Investigation-Anti-Human Trafficking Division (NBI-AHTRAD).
Ayon kay NBI Officer-in-Charge (OIC) Director Eric B. Distor, ang mga biktimang mga na-rescue ay tatlong menor de edad sa Dasmariñas City, Cavite.
Nag-ugat umano ang pagkakaligtas sa mga biktima sa case referral ng Federal Bureau of Investigation (FBI) na unang ipinadala sa Philippine Internet Crimes Against Children Center (PICACC) at na-assign naman ito sa NBI-AHTRAD para sa imbestigasyon.
Base sa inisyal na intelligence report, mayroon umanong Pinay na nakipag-ugnayan sa United States of America (USA) based male citizen para magpadala ng Online Sexual Exploitation of Children (OSEC) materials ng kanyang menor de edad na anak at dalawang kaibigan kapalit ng pera noong 2018 hanggang 2019.
Lumalabas din na ang Pinay ay nakatanggap ng pera sa pamamagitan ngsa American Citizen sa pagitan ng Abril hanggang Agosto 2019 na umabot sa $2,680 o mahigit P130,000.
Ipinadala naman ang child porn materials ng subject sa pamamagitan ng Facebook application.
Ang subject ay agad namang nakilala ng NBI-AHTRAD kaya agad silang nagsagawa ng surveillance operation sa paligid ng kanilang bahay.
Dito nadiskubre na anak pala ng subject ang biktimang menor de edad na nasa kustodiya mismo niya.
Para naman daw ma-locate ang dalawa pang biktima, nakipag-ugnayan naman ang NBI-AHTRAD operativessa local school principal kung saan sinasabing nag-aaral ang mga biktima.
Agad namang nakapagbigay ng record ang nasabing skwelahan kabilang na ang pangalan ng kanilang mga magulang.
Dahil dito, noong Enero 8, 2021, nagsagawa ng rescue operations ang NBI-AHTRAD kasama ang Philippine National Police-Women and Children Protection Center (PNP-WCPC) at Dasmariñas City, Cavite, City Social Welfare and Development Office (CSWD) sa bahay ng mga biktima sa kanilang bahay sa Dasmariñas City, Cavite.
Matapos ang operasyon, agad namang itinurn over ang mga biktima sa kustodiya ng isang Shelter sa Rizal.