Isinasapinal na umano ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang ilalabas na guidelines sa pagbabalik-pasada ng mga tinaguriang “Hari ng Kalsada” o mga traditional jeepneys.
Sa Laging Handa press briefing, sinabi ni LTFRB chairman Martin Delgra, inaasahang bukas o sa Miyerkules nila ilalabas ang memorandum para dito.
Ayon kay Delgra, papayagan lamang nilang makabiyahe ang mga traditional jeepney na road worthy o mga hindi masyadong luma at smoke belcher na.
Samantala, kaugnay sa pagbabalik ng biyahe ng mga PUVs ngayong araw, nilinaw ni Delgra na hindi na mangyayari ang nakasanayang pwedeng mag-pick-up at magbaba ng pasahero ang mga PUVs.
Inihayag ni Delgra na magiging point-to-point na ito kung saan magkakarga lamang ang PUV sa terminal at magbababa sa destinasyon.
















