-- Advertisements --
Plano ni Meghan, Duchess of Sussex, na bumalik sa paggawa ng mga pelikula.
Kilala ang actress bilang si Meghan Markle ay kasalukuyang nag-sho-shooting ng pelikulang “Close Personal Friend”.
Pinagbibidahan ito nina Lily Collins, Jack Quaid, Brie Larson at Henry Golding.
Mula ng ianunsiyo niya ang engagement kay Pince Harry noong walong taon ang nakaraan ay natigil na siya sa paggawa ng pelikula.
Bago kasi ang kasal nito kay Prince Harry ay gumanap siya sa mga pelikulang “Horrible Bosses” at “Remember Me”.















