-- Advertisements --

Nilinaw ni Megan Young na sadyang naging matakaw lang siya ngayong panahon ng pandemic kaya tila nagkaroon ng baby bump sa latest picture nila ng asawang si Mikael Daez.

Pahayag ito ng 30-year-old actress turned beauty queen kasabay ng paglilinaw na hindi nila prayoridad ng 32-year old actor na gumawa ng tsikiting sa gitna ng deadly virus outbreak sa bansa.

Nabatid na ngayong taon lang din ikinasal ang dalawa matapos ang anim na taong pagiging magkasintahan.

Si Young na half American ay ang first ever Pinay na kinoronahan bilang Miss World noong 2013.