Pinangunahan ng Bagong Bayani Hong Kong Sandigan Eagles Club at Lady Eagles Club sa ilalim ng The Fraternal Order of Eagles-Philippine Eagles Incorporated ang Medical Mission sa pamamagitan ng libreng Blood Pressure Test-Free Blood Glucose Sugar Test at Free Blood Uric Acid Test sa Saint Joseph Church, Garden Road Hong Kong.
Ito ay inilunsad sa pamumuno ni Marlon Pantat De Guzman na Club President at Angilyn Movilla na Lady Eagle President. Nakatuwang nila sa nasabing serbisyo ang Alpha Phi Omega- Hong Kong Alumni Association na isa ding rehistradong Filipino Community organization sa Hong Kong na nilahokan ni Rene Tolentino at Ruth Lota.
Ang nasabing serbisyo ang ikinatuwa ng mga kapwa OFWs lalo na si Rev. Fr. Joseph Tan SVD ang Parish Priest ng Saint Joseph Church at napag kasundoan na maaring gawin ito buwan buwan sa pakikipagtulongan ni Mr Jhonatan Granadino St. Joseph Church Council Member.
Leader of Eucharist Minister of Holy Communion para maipakita ang pagmamahal at malasakit sa kapwa OFW dito sa Hong Kong.
Matatandaan na ang Bagong Bayani Hong Kong Sandigan Eagles ay isang registradong Filipino Community sa Hong Kong Police Society para makagawa ng mga ganitong serbisyo sa mga kapwa Filipino OFW dito sa Hong Kong.
Pagkatapos ng community service ay binabasbasan naman sila sa pamamagitan ng isang misa ni Rev Father Joseph Tan bilang pasasalamat sa nasabing serbisyo ng mga Agila
















