-- Advertisements --
Sa isinagawang plebisito sa Carmona, Cavite, ngayong Sabado, majority ng mga botante ang sumuporta na kilalanin bilang lungsod ang Carmona.
Base sa resulta na inilabas ng Commission on Elections, lumalabas na 30,363 sa 31,632 na botante, o humigit-kumulang 96%, ang sumuporta sa ratipikasyon ng Republic Act 11938, o ang batas na ginagawang component city ng lalawigan ng Cavite ang Carmona.
May kabuuang 1,016 na indibidwal ang bumoto laban sa panukala.
Ang voter turnout ay 53.9%. Ang Carmona ay mayroong 58,691 na rehistradong botante.