Nagtungo sa private island resort na Balesin sa Polillo, Quezon si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.
Ayon sa ilang sources, nagpunta doon ang naturang alkalde para dumalo sa birthday celebration ni Speaker Lord Allan Velasco.
Base sa nakuhang video ng Bombo Radyo, makikita na si Mayor Sara ay nagtungo sa Balesin Island sa lulan ng isang private jet.
Ilang paper bags naman ang dala-dala ng siguro ay aide ni Mayor Sara na maaring regalo nito kay Velasco.
Base sa video at mga litrato, makikita na may kasamang mga security detail ang presidential daughter.
Tila masaya rin ang kuwentuhan nila Mayor Sara at Velasco habang sila ay nakaupo sa patio ng isang villa.
Sa mga nakalipas na raw ay laman ng mga balita si Mayor Sara kasunod nang pagbawi niya ng kanyang certificate of candidacy para sa kanyang reelection bid.
Naging mitsa ito para lumutang ulit ang mga usap-usapan na siya raw ay tatakbo sa pagkpangulo.
Kahapon, sa isang pulong balitaan, sinabi naman ni Albay Rep. Joey Sarte Salceda, kaibigan ni Duterte-Carpio, na tatakbo sa isang national post ang naturang alkalde.