-- Advertisements --

Walang sama ng loob si Presidential Spokesman Harry Roque kay Pangulong Rodrigo Duterte matapos nitong pagkalooban ng absolute pardon si US Marine Joseph Scott Pemberton.

Sinabi ni Sec. Roque na dating abugado ng pamilya Laude, nirerespeto nito ang desisyon ni Pangulong Duterte.

Ayon kay Sec. Roque, sa kanyang personal na opinyon kaya pinili ni Pangulong Duterte na pakawalan o bigyan ng absolute pardon si Pemberton ay dahil mayroong mas importanteng national interest na dapat pangalagaanat ito ay ang pagkakaroon ng bakuna ng bansa laban sa COVID-19.

Maliban sa Russia, kabilang ang Estados Unidos sa mga bansang nagde-develop ngayon ng bakuna panlaban sa COVID-19.

Iginiit pa ni Sec. Roque, hindi na siya nasorpresa sa naturang desisyon at kanya na ring tinanggap ang realidad na may importanteng interes na dapat itaguyod si Pangulong Duterte.