-- Advertisements --
fuel

Good news ang sasalubong sa mga motorista bukas araw ng Martes.

Magpapatupad kasi ang mga oil companies ng may kalakihang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Ayon sa mga energy sources, papalo sa P2.10 hanggang P2.30 ang ang tapyas sa kada litro ng diesel habang P2.00 hanggang P2.20 naman sa kada litro ng kerosene.

Ang gasolina ay mayroon ding bawas na P0.75 hanggang sa P1.00 kada litro.

Karaniwang inaanunsiyo ang oil price adjustment sa araw ng Lunes at ito ay ipinatutupad sa araw ng Martes.