-- Advertisements --

Mayroon na umanong rekomendasyon ang Inter-Agency Task Force (IATF) para sa bagong klasipikasyon ng mga community quarantine sa bansa pagkatapos ng Hunyo 30.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, tulad ng ginawa nila ngayong buwan, ipagbibigay alam muna nila sa nga local government units (LGUs) ang naging desisyon ng IATF para mabigyan ng panahon ang mga ito na iapela ang magiging status ng kanilang community quarantine.

Ayon kay Sec. Roque, matapos nito ay saka pa lamang iaanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pinal na bersyon ng mga community quarantine sa bansa.

Kaugnay nito, nananawagan si Sec. Roque sa publiko na huwag maniwala sa mga kakalat na “fake news” dahil tulad noong mga nakaraang linggo kung kailan kumalat ang rekomendasyon ng IATF sa social media, magkaibang-magkaiba ito sa inianunsyo ni Pangulong Duterte.

Kaya makabubuting mag-antay na lamang umano sa magiging desisyon ni Pangulong Duterte.