-- Advertisements --

Pinalawig pa ng Dallas Mavericks ang kontrata ng kanilang head coach na si Jason Kidd.

Nitong Lunes ay pumirma ang 51-anyos na dating NBA player ng multiyear deal sa Dallas.

Noong nakaraang taon ay hindi nakapasok sa playoffs ang Dallas subalit noong 2022 ay pumasok sila sa Western Conference finals kung saan unang taon pa lamang nito bilang coach.

Taong 2011 ng maging bahagi si Kidd bilang point guard ng Dallas at nakuha nila ang kampeonato.

Ang extension ng kontrata ni Kidd ay kasunod ng matunog na pangalan nito na papalit sa sinibak na Los Angeles Lakers coach na si Darvin Ham.