-- Advertisements --

Pumirma ng two-way contract si Matt Ryan sa New Orleans Pelicans.

Napaulat na na-waive si Ryan ng Timberwolves noong Biyernes upang magbawas ng players para sa papalapit na season bagay na naging daan niya upang kuhanin ng Pelicans at magdagdag ng shooter off the bench.

May kabuuang 34 games ang shooting forward kung saan ang 12 dito ay sa Lakers at 22 sa Timberwolves.

Nakapagtala siya ng 3.9 points kada laro at 37.1% shooting percentage noong nakaraang season sa Timberwolves.

Umingay ang pangalan ni Ryan noong nakaraang season dahil sa kanyang game-tying 3 kontra din sa Pelicans