Malugod na tinanggap ng Philippine National Police ang magandang resulta ng isinagawang “Tugon ng Masa Survey ng OCTA Research.
Ito ay matapos na makakakuha ng mataas na trust at performance rating ang Pambansang Pulisya sa unang bahagi ng taong 2023 batay sa isinagawang survey ng naturang grupo.
Sa isang pahayag ay sinabi ni PNP Public Information Office chief PBGEN Redrico Maranan na ito ay patunay lamang na marami pa rin ang nagtitiwala sa sa Pambansang Pulisya sa kabila ng mga kontrobersiyang kinakaharap ngayon ng Pambansang Pulisya.
Aniya, ito ay sumasalamin sa mga nakaka-appreciate sa trabaho ng pulsiya kabilang na ang mga pagpapatrolya sa mga lansangan, pag-iimbestiga sa mga krimen, pagkakasa ng mga operasyon laban sa mga kriminal, at gayundin ang pagtulong sa mga nangangailangan.
Bukod dito ay binigyang-diin din ni Marananan na ito ay magsisilbing motibasyon, at inspirasyon para sa buong hanay ng kapulisan na mas paghusayin pa ang kanilang pagbibigay ng serbisyo sa taumbayan.