
Nakaambang magtaas ng singil sa kuryente sa Metro Manila at karatig na probinsiya ngayong buwan ng Marso.
Ayon kay Meralco Regulatory Affairs head Ronald Valles, ito ay dahil sa shutdown ng Malampaya natural gas noong Pebrero kung saan ang mga planta na pinapagana ng gas ay kinakailangang gumamit ng mas mahal na fuel.
Tumaas din ang presyo ng kuryente sa spot market dahil sa manipis na suplay.
Paliwanag ni Valles na ang replacement pa lamang ng fuel ay katumbas na ng pagtaas na aabot sa P0.70-P0.80 per kilowatt-hour. Subalit hindi pa ito ang final computation para sa overall adjustment para sa Marso.
Nakatakdang ianunsiyo ng Meralco ang final figure sa susunod na linggo.
Sinabi din ni Valles na plano ng Meralco na sumulat sa Energy Regulatory Commission para humingi ng payo para maibsan ang epekto nito sa mga konsyumer.
Makikipag-ugnayan din ang kompaniya sa generator operator kung kayang maibaba ang kinokolektang charges










