-- Advertisements --

ILOILO CITY – Inaresto ng pulisya ang si Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) Panay Secretary-General Elmer Forro dahil sa kasong murder at multiple attempted murder.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay BAYAN Deputy Sec. Gen. Bryan Bosque, sinabi nito na dinakip si Forro sa kanyang tinituluyang bahay sa Cabatuan, Iloilo.

Ayon kay Bosque, ang pag-aresto kay Forro ay kaugnay sa nangyaring ambush sa Barangay Panuran, Lambunao, Iloilo noong Abril 7, 2020 kung saan namatay ang isang sundalo na myembro ng 301st Infantry Brigade ng Philippine Army.

Maliban kay Forro, nahaharap rin sa kaparehong kaso ang isa ang mataas na lider ng SYP Baloy Platoon ng NPA Komiteng Rehiyon-Panay Central Front na si Karl Teodosio alias Obet/Andoy at dalawa pang “John Does” na nananatiling at-large.