-- Advertisements --
Pinapadagdagan ni House Deputy Speaker Loren Legarda ang compensation ng mga frontline health workers sa harap ng nagpapatuloy na COVID-19 pandemic.
Kaya naman inihain niya kamakailan ang House Bill No. 10621 Special Risk Allowance for all Health Workers Act of 2021.
Sa ilalim ng naturang panukala, makakatanggap ng buwanang special compensation ang mga frontline health workers sa panahon na mayroong public health emergency.
Katumbas ito ng hindi hihigit sa 25 percent ng buwanang sahod at dapat ay exemted din sa income tax.
Kinikilala ng kongresista ang malaking ambag ng mga doktor, nars, medical technologists, at iba pang mga healthcare workers sa bansa lalo pa at laging nakalagay sa peligro ang kanilang buhay sa harap ng pandemya.










