Mas marami pang grade levels ang isasama sa face-to-face classes sa bansa sa harap ng COVID-19 pandemic, ayon sa isang opisyal ng Department of Education (DepEd).
Sinabi ni DepEd Undersecretary Nepomuceno Malaluan na tanging ang Kindergarten hanggang Grade 3 pati na rin ang mga Senior High School students ang pinayagan na makibahagi sa pilot run.
Nauna nang inirekomenda ng DepEd ang progressive expansion ng face-to-face classes sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 1 at 2.
Ayon kay Secretary Leonor Briones ang expansion ng face-to-face classes ay magsisimula sa Pebrero.
Martes nang nagpahayag ng suporta si Pangulong Rodrigo Duterte sa planong ito ng DepEd.
Ikinatutuwa naman ng DepEd ang suporta ni Pangulong Duterte pati na rin ang tiwala nito sa expansion ng limited face-to-face classes.










