-- Advertisements --
Screenshot 2019 07 08 06 57 29

Nangako ngayon si Senate Majority Leader Joel Villanueva na tutulong ito sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) para sa karagdagang pondo para sa preservation ng Sierra Madre mountain range.

Nagulat si Villanueva nang marinig na ang pondo ng DENR para sa Sierra Madre preservation ay nasa P9.9 million lamang.

Ang Sierra Madre kasi ay mayroong 540-kilometer mountain range sa Cagayan hanggang Quezon provinces.

Pinaniniwalaang kada mayroong bagyo ay malaking tulong ang bundok para maisalba ang ilang bahagi ng Luzon gaya na lamang noong nanalalasa ang Super Typhoon Karding noong Setyembre 25.

Sinabi ni Villanueva na malaking tulong ang pagpepreserba sa Sierra Madre mountain range para mapabagal ang pagbaha at mapababa ang typhoon-related calamities.