Hangad umano ni Mark Herras na suportahan sila ng publiko sa pagdadalang-tao ng newbie actress at fiancee na si Nicole Donesa.
Ayon sa 33-year-old actor, alam nitong marami ang nagkakasakit bunsod ng coronavirus at mas lumaganap pa ang mahirap na buhay pero sana ay maging masaya pa rin para sa kanila.
Kahapon nang ianunsyo ng husband and wife to be ang nakatakdang pagsilang sa kanilang first baby sa January 2021.
“We’re happy, we’re proud, and we’re excited to tell you guys Ico’s [palayaw ni Nicole) pregnant,” ani Herras.
“During this time kasi, we’re going through a lot with COVID, a lot of people are dying, a lot of people are getting sick, ang daming nangangailangan,” saad naman ng mommy to be.
Kung maaalala, nitong Hunyo lang din nang ibalita ni Herras ang kanilang engagement.
Bago sa 26-year-old wife to be, naging kasintahan ni Herras ang first ever Pinay na tinanghal bilang Reina Hispanoamericana noong 2017 na si Teresita Ssen “Winwyn” Marquez.
Si Donesa ay nakasama ni Mark sa isang teleserye.
Pebrero 2019 nang umamin si Winwyn na nauwi sa hiwalayan ang tatlong taong pagiging magkasintahan nila ni Herras at wala namang “third party.”