Naghain ng kaniyang resignation si Maritime Industry Authority (Marina) administrator, Hernani Fabia.
Ang nasabing resignation ni Fabia ay magiging epektibo lamang kapag tinanggap na ito ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Mismong si Executive Secretary Lucas Bersamin ang resignation ni Fabia noong Disyembre 1 pero nitong Disyembre 6 lamang ng matanggap ito ng MARINA.
Hindi naman binanggit ni Fabia ang dahilan ng kaniyang pagbibitiw sa puwesto matapos ang 17 buwan na paninilibihan.
Itinalaga bilang officer in charge ng ahensiya si deputy administrator for operations Nanette Villamor-Dinopol.
Si Fabia na isang abogado rin ay kilala sa industriya bilang maritime educator at siya ang nagtaguyod ng PNTC Colleges na isang maritime training institution.