-- Advertisements --

Sa gitna ng nagpapatuloy pa rin krisis sa gasolina na kinakaharap ng bansa, bilang karagdagang tulong, ang lungsod ng Marikina nama’y sinagot maging gastusin sa ‘graduation’ ng 8-libo estudyante sa pampublikong paaralan.

Mula sa anunsyo ni Mayor Maan Teodoro, sasagutin na ito ng lokal na pamahalaan upang maibsan na rin ang pasanin ng mga magulang.

Binigyang diin na ito ay isang makubuluhan o mahalagang okasyon kung kaya’t libre na maging mga gamit tulad ng toga, litrato at iba pa.

Pinangakuan rin ng libreng laptop para sa mga top graduating student at gadget para sa ilang mga sumunod.

Magugunitang mahigit siyam na libong public utility vehicle drivers ang nakatanggap ng limang libo piso pinansyal na tulong sa lungsod.

Ikinatuwa ito ng mga nasa sektor ng transportasyon pati ang maayos na proseso ng distribusyon sa Marikina pinamumunuan kasama pati Rep. Marcy Teodoro.