-- Advertisements --

Nagsalita na si Mariel Rodriguez tungkol sa viral na drip session nito sa opisina ng kanyang asawang si Senador Robin Padilla sa senado.

Umani ito ng batikos sa social media dahil hindi nagustuhan ng ibang netizens na sa loob ng senado niya ito ginawa lalo na at hindi aprubado ng Food and Drug Administration (FDA) ang pagsasagawa ng gluta drip. 

Ngunit nilinaw ni Mariel na hind raw glutathione ang itinurok sa kanya kundi Vitamin C. Linggo-linggo niya raw ito ginagawa dahil nagpapalakas umano ito ng kanyang resistensiya. 

Inamin din ni Mariel na wala raw siyang nakikitang mali at masama sa ginawa niya. Bitamina lang naman daw ang nilalagay niya sa kanyang katawan at hindi drugs o heroin. 

Deleted na ang online post ni Mariel bilang respeto umano sa mga na-offend sa kaniyang post.