-- Advertisements --

Pinakokonsidera ni Sen. Imee Marcos sa pamahalaan ang appointment ng isang nanay bilang miyembro ng Inter-Agency Task Force (IATF), na abala sa pangunguna sa COVID-19 response.

Sa isang statement sinabi ni Marcos na magbibigay ng direksyon ang panukala para matugunan ang epekto ng pandemya sa mga kababaihan, pamilya at edukasyon.

“These new modes of blended education are a challenge to both the school system and families. Mothers are struggling at the center of it all. The pandemic is impacting women in myriad and cruel ways,” ayon sa senadora.

“We need simple, commonsensical ways for mothers to cope. A lending program for tablets, or one that supports purchases by installment, would be in place if a mom was sitting in the IATF,”dagdga pa nito.

Ayon kay Marcos, pinalala ng pandemya ang diskriminasyon sa mga kababaihan dahil sa kulang na polisiya at mga benepisyo.

Kaya naman mungkahi rin ng mambabatas na pahabain pa ang oras ng operasyon sa mga palengke, at madagdagan ang ng rolling stores bilang oportunidad.

Naniniwala ang mambabatas na kritikal ang gagampanan papel ng isang ina na miyembro ng IATF, lalo na’t may hinaharap din na issue ng abuso ang sektor ngayong pandemic.

“Women are outnumbered in the IATF. Poor Secretary Briones is overwhelmed by the demands of new learning modes, Secretary Berna is struggling with her tourism sector. We need a commonsensical but compassionate homemaker in policy making.”