-- Advertisements --
image 214

Muling bubuksan ang Manila Zoo sa publiko sa Lunes, Nobyembre 21. Matapos magbigay sulyap sa kung ano ang aasahan mula sa renovated tourist attraction.

Ang Manila Zoo ay tinawag din na Manila Zoological & Botanical Garden, kung saan tampok ang iba’t ibang hayop at halaman na magiging isang attraction din sa kaalaman ng mga bisita lalo na sa mga bata.

Medyo mas mataas nga lang ang naging entrance fee kaysa sa mga nakaraang operasyon.
Ang entrance fee ay nagkakahalaga ng P150 para sa mga residente ng Maynila Samantala sa mga naninirahan sa labas ng lungsod, ay kailangang magbayad ng P300.

Mayroong P100 na diskwento para sa mga mag-aaral habang ang mga batang wala pang dalawang taong gulang ay nakakapasok nang libre.

Sulit naman daw umano ang bayad dahil maari ring ipagmalaki ang Manila Zoo maging sa buong mundo.