-- Advertisements --

Ininspeksyon ni Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan ang mga tanggapan at hallway para sa posibleng renovation.

Kasama niya sa paglilibot ang ilang city hall officials.

Sa kaniyang unang araw bilang alkalde, ipinag-utos ni Lacuna sa mga departament head na magsagawa ng clean-up, mula sa mga sirang bintana at upuan, hanggang sa mga sasakyang hindi nakaparada nang maayos.

Layunin din ng inspeksyon na magamit nang maayos ang espasyo para sa ibang tanggapan, tulad ng Office of the Senior Citizens Affairs.

Si Lacuna ay isa ring doktor, kaya nais umano niyang mapaigting pa ang kalinisan sa syudad, na sisimulan mismo sa kanilang punong tanggapan.