-- Advertisements --

Patuloy ang panghihikayat ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula sa mga mananampalataya na dumalo ng physical sa mga misa.

Ito ay bilang paghahanda sa nalalapit na Semana Santa.

Ayon kay Advincula na nararapat na dumalo ng physical ang mga mananampalataya lalo na at maluwag na ang ipinapatupad na health protocol.

Nanawagan din ito sa mga simbahang nasasakupan niya na ipinapatupad pa rin sa loob ng simbahan ang pagsusuot ng face mask bilang dagdag na proteksyon pa rin.