CENTRAL MINDANAO-Nais at layunin na mapasigla muli ang sektor ng turismo sa probinsya ng Cotabato.
Kaya binuksan ang Mandangan Kidapawan Trail pa-akyat ng Mount Apo
Kailangan lamang sa mga nais umakyat sa pinakamataas na bundok sa Pilipinas ang sumunod sa mga bagong regulasyong tumatalima sa health protocols.
Sinabi ni Kidapawan Supervising Tourism Operations Officer Gillan Ray Lonzaga,sa ilalim ng new normal na nais umakyat sa Mt. Apo, kailangan na ng medical certificate, waiver at valid Identification Card (ID) upang ma-secure ang climbing permit.
Pinayuhan din ang mga umaakyat na magsuot ng mga face mask, face shield at pag- obserba ng social distancing habang naglalakad sa bundok at lalong lalo na sa mga base camps.
Sa ngayon exclusive sa mga trekkers mula region 12 lang ang makakapasok sa North Cotabato trail.
Tiniyak din ni Lonzaga na may mga red cross team ang nakabantay sa Jumpoff points upang ma check ang blood pressure at temperature at kung may lagnat lagnat, ubo at sipon ay bawal.
Bukod sa pagpapaalala sa mga umaakyat tungkol sa pagpapanatili ng kaligtasan sa mga mapanganib at panatilihing ligtas mula sa coronavirus, paalala din ni Lonzaga sa mga trekker ang kahalagahan ng responsableng pag-akyat, tulad ng pagpapanatiling malinis ng lugar at pag-iwas sa mga aktibidad na maaaring makapinsala sa bundok Apo.










