-- Advertisements --

Nababahala si House Senior Deputy Minority Leader at Northern Samar Representative Paul Daza na posibleng mauwi sa pagsasara ng mga private colleges and universities dahil sa hindi pagbabayad ng Commission on Higher Education (CHED) sa kanilang utang na umabot sa P6 billion.

Sinabi ni Daza, umaalma na ang mga private universities at colleges dahil sa laki ng utang na hindi binabayaran ng CHED ito ang Tertiary Educational Financial Assistance para sa mga mahihirap na estudyante.

Ang nasabing programa aya nasa ilalim ng Republic Act 10931 o ang Free Access to Tertiary Education Act.

Batay sa isinagawang pagdinig ng House Committee on Higher Education, kulang ang pondo na inilaan ng Department of Budget and Management (DBM) sa Commission on Higher Education (CHED).

Dahil sa pagkakautang ng CHED, umabot na sa 44 percent ang bilang ng mga college drop out na mahihirap na estudyante dahil sa kakulangan ng financial assistance.

Dahil dito, iminungkahi ni Daza sa CHED na gamitin ang P10 billion pondo na nakalaan sa Higher Education Development Fund.

Siniguro naman ng mambabatas na kaniyang tutukan sa House Committee on Appropriations sa sandaling talakayin na ang 2024 proposed national budget ng sa gayon mabigyan ng sapat na pondo para mabayaran ang mga private universities at colleges.

Ipinunto din ni Daza na mahalaga na magpatupad na ng reporma ang CHED para mas magiging accessible ang quality tertiary education.

Ang Universal Access to Quality Tertiary Education Act (Republic Act 10931) naging epektibo nuong 2018 matapos nilagdaan ni dating Rodrigo Duterte nuong August 3, 2017.

Sa ilalim ng RA 10931 ipinag-utos nito ang free college tuition sa mga State Universities and Colleges (SUCs).

Kinikilala din sa batas ang kabilang sa listahan ng Department of Social Welfare and Development’s (DSWD) 4Ps, at iba pang mga mahihirap na estudyante na makakuha ng Tertiary Education Subsidy (TES) na bukod sa libreng tuition, makakatanggap din ito ng allowance na nagkakahalaga ng PhP 40,000 para sa SUC’s at PhP 60,000 per year para sa Private Colleges para suportahan ang kanilang living expenses.

Ibinunyag naman ni CHED Region 1 director, Danilo Bose na walang pondo ang inilaan para sa bagong TES beneficiaries dahil hindi ito kasama sa General Appropriations Act nuong 2021, 2022, at 2023.

” The attrition rate for Academic Years (AY) 2017-2021 increased to a staggering 47.61% across all Higher Education Institution categories (State, Local, and Private). This was a 9.78% increase from the 37.83% attrition rate of AY 2016-2021. Nakakapanghinayang at nakakalungkot. We have the funds to change this. The question now is, does CHED and DBM have the will to do what must be done? They have the power to utilize the HEDF. They could have done so sooner. I’m calling on DBM and the economic managers to immediately reimburse the private colleges as many are in danger of closing and to augment the Ched TES for the 2024 budget year,” pahayag ni Cong. Daza.