
Naniniwala ang isang mambabatas na napapanahon na para isulong ang mandatory military at police training sa loob ng dalawang taon para sa mga kolehiyo at technical-vocational students.
Ayon kay Senator Francis Tolentino na naghain ng panukalang batas na nagtatatag sa two-year mandatory Basic Military and Police Training program para sa mga college students at ang mga kumukuha ng two-year technical vocational courses sa private at public educational institutions, ang proposed measure ay magiging daan para maitanim sa puso at isipan ng mga estudyante ang pagmamahal ng mga ito sa Pilipinas maging sa kapwa.
Kasama na rin dito ang nationalism at patriotism.
Sa ilalim ng Senate Bill 1565 na inihain ni Sen. Francis Tolentino, ang mga estudyanteng hindi sasailalim sa mandatory Basic Military and Police Training program ay hindi kuwalipikado para magtapos sa pag-aaral.
Nakalagay sa Section 11 ng naturang panukalang batas na mayroong option para sa mga estudyante na kumuha ng advanced military program.
Kasama naman sa mga exempted na estudyante sa naturang programa ang mga mayroong valid reason na aprubado ng Department of the Interior and Local Government sa pamamagitan ng rekomendasyon ng educational institution.
Sa explanatory note ni Tolentino, layon ng measure na mapataas ang awareness ng mga estudyante sa pangangailangan para sa human resources sa panahon ng digmaan, kalamidad, disasters, national at local emergencies at bilang suporta na rin sa law enforcement strategy ng pamahalaan laban sa mga krimen at iba pang civic obligations.
Samantala, ang mga sasailalim naman sa military at police training program at ang makakapagtapos ng basic military training ay eligible para sa enlistment sa Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), Philippine Coast Guard at Bureau of Fire Protection (BFP) maliban na lamang kapag mayroong waiver na inisyu ng department secretaries ng nabanggit na mga military at civilian organizations.
Mabibigyan din sila ng libreng hospitalization sa ano mang government hospital kapag naaksidente ito sa nagkaroon ng injury sa kasagsagan ng training.
Ang mandatory insurance para samga estudyante na sasailalim sa military at police training sa mga paaralan kung saan naka-enroll ang mga estudyante.
Kasama na rin dito ang access at mga prebelehiyo sa ano mang AFP commissary at PX stores nationwide.
Ang mga nagtapos naman sa training na nakakumpleto ng four-year course ay maikokonsidera bilang First Level Civil Eligible habang ang mga nagtapos naman sa advance military training program na nakapagtapos ng four-year course ay maikokonsiderang Second Level Service Eligible.
Bilang safeguard, nakasaad naman sa Section 14 ng naturang bill na mariing ipinagbabawal dito ang hazing, physical, sexual o psychological abuse, emotional maltreatment o ano mang aksiyon na magpapababa sa dignidad ng child/student.
Kasama pa rito ang bribery,corruption of public officials at graft and corruption.










