-- Advertisements --
Orlando "Dondon" Dinoy

CENTRAL MINDANAO – Patay sa pamamaril ang isang mamamahayag sa Davao Del Sur dakong alas-6:26 ngayong gabi.

Nakilala ang biktimang si Orlando “Dondon” Dinoy, isang manunulat sa local and national dailys, reporter at announcer.

Ayon sa ulat ng pulisya, pinasok ng suspek ang biktima sa loob ng kanyang apartment sa Mother Ignacia Street Brgy. Poblacion Uno Bansalan Davao del Sur at pinagbabaril gamit ang kalibre .45 na pistol.

Mabilis namang tumakas ang suspek na sumakay ng motorsiklo sa naghihintay niyang kasama.

Patay on the spot ang biktima nang magtamo ng tama ng bala sa kanyang ulo at dibdib.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Bansalan PNP sa pamamaril patay kay Dinoy.