-- Advertisements --

Inamin ng mamamahayag na si Roy Mabasa na kapatid ng pinaslang na Boadcaster na si Percy Lapid na katakot-takot na pagbabanta sa kaniyang buhay ang kaniyang natatanggap sa gitna ng nagpapatuloy na imbestigasyon.

Ibinunyag nito na pinapadalhan ito ng text messages, sa kaniyang messenger at may nagvivideo chat pa kayat natatakot na itong lumabas pa ng kanilang bahay.

Nang matanong naman kung nakakatanggap din ng death threat ang pamilya ni Jun Villamor na itinuturing na middleman sa plinanong pagpatay sa kaniyang kapatid, aniya maging sila ay natatakot rin para sa kanilang sariling kaligtasan dahil alam ng mga suspek ang kanialng lokasyon.

Ayon kay Mabasa, lahat ng pagtitiis ay kaniyang ginagawa para makausap ang pamilya ng nasawing middleman kasabay ng pakiusap nito na paspasan na ang aksiyon sa imbestigasyon dahil sila ang biktima at namatayan ng kapatid.