-- Advertisements --

Pinag-aaralan ng Manila City Government na ipreserve ang mga labi ng nag-iisang elepante ng Manila Zoo na si Mali at ilagay ito sa National Museum.

Sinabi ni Manila City Mayor Honey Lacuna na idudulog nito ang idea sa mga eksperto ukol sa nasabing plano.

Sang-ayon ito na mapabilang ang nasabing elepante sa museum dahil ito ang nagbigay buhay sa Manila zoo.

Magugunitang nitong Martes ng hapon ng kumpirmahin ng Manila City government ang pagpanaw ni Mali na mahigit 40 na taon dahil umano sa mga kumplikasyon ng sakit nito.