-- Advertisements --

TACLOBAN CITY – Kulungan ang bagsak ngayon ng isang Malaysian national matapos na mahuli sa isinagawang drug buy bust operation sa Brgy. 02, Dolores, Eastern Samar.

Ayon kay Rogelette Urgel, tagapagsalita ng PDEA Region 8, na kinilala ang suspek na si Lee Kuok Tiing, alyas Eric Lee, 44, isang businessman, at residente ng Sarawak, Kuching, Malaysia.

Nakumpiska naman sa posisyon ng suspek ang dalawang sachet na pinaniniwalaang shabu na may market value na nasa P4,000 at isang pack ng agar wood na may estimated market value na P50,000.

Nahaharap naman sa ngayon ang naturang Malaysian national sa kasong paglabag sa RA 9165 at P.D. 705 at ngayon ay nasa kustodiya ng mga kapulisan.