-- Advertisements --

Nasa mahigit 1,000 mga bumbero na ang nagtulong-tulong na para maapula ang malawakag wildlfire sa south-western France.

Ang nasabing sunog ay nakasira na ng halos 7,000 na mga hektaya ng lupain.

Aabot na rin sa mahigit 10,000 na residente ang lumikas sa lugar.

Isa sa naging hamon ng mga bumbero ang mataas na temperatura at ang paghangin na nagigign dahilan ng pagkalat ng apoy.

Tumulong na rin ang mga bansang Austria, Germany, Greece, Poland at Romania para tuluyang maapula ang apoy.