-- Advertisements --
BAGUIO CITY – Inihahanda ng mga otoridad ang mga gamit para sa nakatakdang blasting operation ng mga bato sa isang bahagi ng Kennon Road sa Baguio City ngayong araw.
Ayon sa Office of Civil Defense-Cordillera, target nilang madurog ang malalaking bato na nahulog at gumulong sa bahagi ng Bued River kamakailan dulot ng mga pag-ulan.
Maituturing daw kasing banta ang mga ito sa mga residente lalo na’t inaasahan na rin ang mga pag-ulan at bagyo sa susunod na buwan.
Kaugnay nito pansamantala raw isasara ng ahensya ang bahagi ng kalsada at ililikas ang mga residenteng malapit sa lugar.