-- Advertisements --

Bagamat nanindigan ang Philippine Coast Guard sa mandato nitong panatilihin ang kapayapaan at de-escalation ng tensyon sa West Philippine Sea, sinabi nito na kanilang ikinokonsidera na magkaroon ng malalaking baril sa kanilang vessels.

Ayon kay PCG spokesman Rear Admiral Armand Balilo, kanilang pag-aaralan ang posibilidad ng pag-armado sa PCG vessels subalit kanilang titiyakin na ito ay alinsunod pa rin sa kanilang mandato para maiwasan ang anumang komprontasyon sa Chinese Coast Guard (CCG) sa kanila ng agresibong mga aksyon nito sa West Philippine Sea.

Binigyang diin naman ni Balilo na walang malalaking baril ang lahat ng PCG vessels dahil nakadesinyo aniya ang mga ito para sa maritime law enforcement at pagpapanatili ng kapayapaan.

Nang matanong naman ang opisyal sa magiging hakbang ng PCG kung sakaling maulit ang insidente kamakailan na pagtutok ng lasers ng CCG vessels, ayon kay Balilo na kanilang ide-escalate ang sitwasyon at kung kinakailangan ay magbabago ng ruta para maiwasan ang anumang komprontasyon.

Giit ng PCG official na ang Coast Guards sa buong mundo ay dapat na magpatupd ng batas at hidni dapat nasangkot sa anumang provocative stance na maaaring humantong sa giyera.

Kung kayat hindi din naiwasang magtaka ng PCG official kung bakit armado ang CCG vessels ng mga baril at iba pang equipment na ginagamit para takutin ang mga barko ng iabng mga bansa na kanilang minomonitor sa karagatan na kanilang inaangkin na bahagi ng kanilang hurisdiksiyon.