Ipinauubaya na lamang ng Malacanang sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang desisyon kung tatanggalin o hindi si Lt. Gen. Antonio Parlade Jr. bilang kanilang tagapagsalita.
Sinabi ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque nang hingian ng komento hinggil sa statement ni Sen. Panfilo Lacson na dapat maalis sa posisyon si Parlade dahil sa issue ng red-tagging.
Ayon kay Roque, hindi naman nagma-micromanage si Pangulong Rodrigo Duterte kaya bahala na ang NTF-ELCAC kung susundin nito o hindi ang rekomendasyon ni Lacson.
Nauna nang pinagbawalan ni National Security Adviser Hermogenes Esperon, na tumatayong vice chairperson ng NTF-ELCAC, sina Parlade at PCOO Usec. Loraine Badoy, na tagapagsalita rin ng task force, na magbigay ng komento hinggil sa mga community pantries sa bansa.
Ito ay matapos na inihalintulad ni Parlade si Ana Patricia Non, organizer ng Maginhawa Pommunity Pantry, kay satanas na nagbigay ng mansanas kay Eba.










