-- Advertisements --
Ginulat ni Maine Mendoza ang kaniyang mga fans matapos na ibahagi nito sa kaniyang social media na ito ay engaged na sa nobyong si Quezon City First District Representative Arjo Atayde.
Isinagawa aniya ang proposal sa lugar na mayroong illuminated white rose garden.
Sa ilang larawan din na ibinahagi ng kapatid ni Maine na si Nicole ay pinaghandaan umano ni Atayde kung saan bukod sa garden ay mayroon pang fireworks display.
Sinaksihan din ito ng mga pamilya ng showbiz couple.
Mahigit tatlong taon ang kanilang relasyon bago pumasok sa pulitika ang actor nitong taon.
Bumuhos naman ang mga pagbati mula sa kapwa artista ng lumabas ang nasabing balita.










