-- Advertisements --
NAGA CITY – Natangay ng mga magnanakaw ang humigit-kumulang P100,000.00 na halaga ng pera Calauag, Quezon.
Kinilala ang biktima na si Marilyn Regala Calayag, 70-anyos, residente ng Brgy. Cinco sa nasabing bayan.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na pwersahang pinasok ng mga hindi pa nakikilalang suspek ang bintana sa ikalawang palapag ng establisyemento na pag-aari ng biktima.
Sa inisyal na imbestrigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman na tinarget ng mga suspek ang pera na nagkakahalaga ng humigit-kumulang P100,000.00.
Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad lalo na ang pagtukoy sa pagkakakilanlan at kinaroroonan ng suspek.