-- Advertisements --
Natanggap na ng bansa ang nasa 739,200 doses ng Sinopharm vaccine laban sa COVID-19.
Ang nasabing mga bakuna ay bahagi ng 1 milyon doses na ibinigay ng China bilang donasyon sa bansa.
Pinangunahan ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III ang nasabing pagtanggap ng mga bakuna sa Ninoy Aquino International Ariport (NAIA) Terminal 2.
Sinaksihan din ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nasabing pagdating sa pamamagitan ng virtual viewing habang ito ay nasa lungsod ng Davao.
Pinasalamatan ng pangulo si Chinese President Xi Jinping dahil sa bagong mga donasyon ng mga bakuna.
Muling hinikayat ng pangulo ang mamamayan na magpaturok na ng bakuna at huwag sayangin ang pagkakataon.