-- Advertisements --

Aabot umano sa mahigit 50 missiles at 20 drones ang pinakawalan ng Russia sa kanilang pag-atake laban sa Ukraine.

Ito ang isiniwalat ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky sa isang statement kung saan inihayag niyang naganap ang naturang pag-atake sa araw ng paggunita ng Remembrance at Reconciliation.

Ayon kay Zelensky, ang mga hakbang at pag-atake na ito ng Russia ay hindi dapat na hayaan at konsintihin ang ganitong uri ng mga mapang-aping ideolohiya.

Kasabay nito ay mariing niyang kinondena ang Nazism na isang ideolohiya na nauugnay sa rehimen ni Adolf Hitler sa Nazi Germany noong World War II.